Wednesday, April 20, 2011

Pangngalan

Pangngalan – katawagan ng tao, hayop, bagay at lunan.

Mga Uri ng Pangngalan
1.   Pantangi – panawag sa mga pangngalan ng tao, hayop, bagay o lunan na sisimulan ng lahat ng manalaking titik.
Hal: Quintana, Jesus, DECS, Florante at Laura
2.   Pambalana – tawag sa di-tiyak na pangalan ng tao, hayop, bagay o lunan.
Hal: tsuper, aklat, planeta, bagay

Mga Gamit ng Pangngalan
1.   Simuno ng Pangungusap
Hal: Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig.
2.   Panaguri ng Pangungusap
Hal: Si Amorsolo ang gumuhit ng “Dalaga sa Bukid”.
3.   Layon ng Pandiwa
Hal: Nagdidilig ng halaman ang katulong.
4.   Panuring ng Kapwa Pangangalan
Hal: Mariner 10, isang space probe, ay tumungo sa Mars.
5.   Layon ng Pang-ukol
Hal: Tungkol sa polusyon ang paksa ng seminar.

Kaanyuan ng Pangngalan
1.   Payak – salitang ugat
Hal: ilog, bagay, dalaga, bata, init
2.   Maylapi – nagtataglay ng pangngalan, salitang ugat at panlapi.
Hal: Unlapi-                  magkapatid, kababata
                Gitlapi-                  binata, pinuno
                Hulapi-                  bakaran, laruan, tubigan
                Kabilaan-                  palaruan, kasamahan, kaantaan
3.   Inuulit – inuulit ang pangngalang payak o maylapi.
Hal: bahay-bahay, pupu-pulutong, isa-isa
4.   Tambalan – dalawang pinagsamang salita.
Hal: silid-aralan                  talambuhay
       dalagang-bukid         bantay-pinto

Kailanan ng Pangngalan
1.   Isahan                           Hal: ang bata, edad, ang hukom
2.   Dalawahan                           Hal: sina Bill at Vic, mga-ina, dalawang panyo
3.   Maramihan                           Hal: mag-iina, pulu-pulutong, mga guro

Kasarian ng Pangngalan
1.   Panlalaki
        Hal: ama, bayaw, kusinero
2.   Pambabae
        Hal: ina, hipag, kusinera
3.   Di-tiyak o Pambalana                           Hal: guro, manok, manlalaro
4.   Walang Kasarian o Pambalaki                  Hal: bukid, bahay, aklat

Katuturan ng Pangngalan
1.   Basal – anyong payak at pinagmumulan ng ibang salita.
Hal: dunong, aklat, panahon, pinto, kamay
2.   Hango – hango mula sa salitang basal.
Hal: karunungan, aklatan, kapanahunan, pintuan, kamayan
3.   Lansak – kalipunan o pangkat.
Hal: koro, koponan, pulutong, komite, hukbo
4.   Tahas – tiyak ang bahay.
Hal: silid, gabi, kapangyarihan, puno, kontinente
5.   Patalinghaga – hindi tuwirang pantukoy sa isang bagay.
Hal: ulo                           (ama ng tahanan)
       liwanag                  (katotohanan)

Kaukulan ng Pangngalan
1.   Palagyo – kapag ginagamit sa simuno ng pangungusap.
Hal: Si Nestor ang gumanap na Dr. Jose Rizal.
2.   Palayon – kapag ginagamit na layon ng pandiwa o pang-ukol
Hal: Ang balik-bayan ay nag-uwi ng maraming pasalubong. (pandiwa)
       Ito ay para sa panauhin (pang-ukol)
3.   Paari – kapag may pinaaring anuman ang pangngalan.
Hal: Ipinaayos ni Carding ang kanyang sasakyan.

Kalikasan ng Pangngalan
1.   Likas – salita ng pantawag sa tao, bagay, hayop o lunan na mula o katutubo sa atin.
Hal: burol, ilog, damo, agos, ibon
2.   Likha – binuo mula sa pinagsamang salita.
Hal: sulat-kamay (panghalip)          dagat-alat (pandiwari)
3.   Ligaw – pangngalang hango sa dayuhan wika.
Hal: pamilya, keso, telebisyon, nars, trak